Epektibong Study Habits: Mga Diskarte para Matuto nang Mabilis at Maaalala
Bakit kailangan natin Matuto? “Hindi sa dami ng oras ka natututo, kundi sa paraan kung paano ka nag-aaral.” Sa mundo ng mga estudyante, normal na ang mga araw na puno ng quizzes, projects, at deadlines. Minsan, kahit buong gabi ka nang nagbasa, parang wala ka pa ring maalala kinabukasan. Nangyari na rin sa’kin ‘yan hanggang sa narealize ko na hindi lang pala sapat ang mag-aral nang matagal , kundi mas mahalaga ang mag-aral nang epektibo. Paano ba Matuto? Ang pagkatuto ay hindi lang tungkol sa pagbasa ng libro o pakikinig sa guro, kundi sa tamang paraan ng pag-unawa at paglalapat ng natutunan. Mas madali tayong matuto kapag naiintindihan natin ang aralin, hindi lang basta kinakabisado . Kapag alam natin ang dahilan kung bak...